Ano na nga bang lagay ng karera mo ngayon? Tumatakbo ka pa bang kasama Siya? O tumatakbo na lang mag-isa? Huminto ka na ba? O iba na ang gusto mong kasama? Napapagod ka na ba? O sadyang ayaw mo na?
Bago ka umalis, umayaw o sumuko, aalahanin mo munang muli kung bakit ka nandito; bakit at paano ka nagsimula. Yung mga araw na nahihirapan ka na, pero nanatiling matibay ka. Ngayon, ngayon ka pa ba talaga susuko? Gusto mo bang masayang ang lahat ng pinaghirapan mo? Mapunta sa wala lahat ng iyak at panalangin mo? Ayun ba ang iyong gusto? Bangon kapatid! Hindi mahalaga kung ilang beses kang nadapa. Hindi mahalaga kung ilang beses kang nahirapan. Hindi mahalaga kung ilang beses kang umiyak. Sapagkat ang tunay na mahalaga ay matapos mo ang karera, matapos ang karera nang kasama mo Siya! Sa Diyos ang lahat ng kapurihan! Kasama ang Panginoon sa paglaban, Sis. Princess Damian Youth Ministry Secretary
0 Comments
Leave a Reply. |
Coffee BreakA weekly publication of inspirational messages, devotional prayers, and words of wisdom from Church of God Caloocan leaders. It is a conversational message from their hearts to yours. So have a break, take a coffee break. Archives
February 2019
Categories |