“People who live on milk are like babies who don’t really know what is right. Solid food is for mature people who have been trained to know right from wrong.” -Hebrews 5:13-14.
Hindi na tayo bata sa pananalig o sa edad, kaya dapat lang na marunong tayong mag-isip. Kung alam mo bilang anak na hirap ang buhay niyo, huwag mo na pilitin si Papa na bilhan ka ng iPhone, matanda ka na, makisali ka na sa problema ng pamilya. Ganun din sa church, kung mahigit na anim (6) na buwan na kayong anak ng Diyos, dapat kasama na kayo sa solusyon. Hindi lagi na lang pinagsisilbihan, inaaya every Sunday, dinadala sa silya, at tinuturuan. We graduated from that level. We should make it our goal, to become mature and to act in a mature way. Hindi yung konti lang na problema sa church, magtatampo na, lalayas at lilipat na sa iba. Mamaya magtampo ka na naman doon at lalayas ka na naman. Parati na lang ganoon. Matuto na tayong magpasensiya at magpalampas. We learn to endure. That is what maturity is all about. We do not escape every trouble, but we try to solve it. Oras na nakakita tayo ng kapintasan, tumulong tayo para iyon ay ma-solve. Kung hindi tayo tutulong, the best thing to do is to shut up! God bless!. With God and to Him alone, Sis. Mary Ann Cabatuan Ushering Ministry Head
0 Comments
|
Coffee BreakA weekly publication of inspirational messages, devotional prayers, and words of wisdom from Church of God Caloocan leaders. It is a conversational message from their hearts to yours. So have a break, take a coffee break. Archives
February 2019
Categories |