Ilang araw nalang ay Pasko na. Marami sa atin ay abalang-abala sa pamimili ng mga regalo para sa ating mga inaanak at kamag-anak. Marami rin sa atin ang abala na rin sa pagpunta sa iba't-ibang mga Christmas Party para makasama ang ating mga kaibigan at mahal sa buhay. Pero ano nga ba ang tunay na diwa ng Pasko? Ito nga ba ay puro kainan at regalo lamang? Sana naman ay hindi. Unang-una, ang Pasko ay tungkol sa pagsilang ng ating Panginoong Hesus na nagkatawang tao para lamang isalba tayong lahat mula sa kasalanan. Sa sobrang pagmamahal sa atin ng Diyos ay inialay Niya ang buhay ng Kanyang Anak para sa ating lahat.
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Juan 3:16 Sana ay hindi natin makalimutang magpasalamat sa ating Panginoon ngayong Pasko. Pangalawa, ang Pasko ay para sa pamilya at mga mahal natin sa buhay. Ito ang panahon na nagtitipun-tipon tayo para makasama natin muli ang ating pamilya. Kung may nakaaway man tayo, ito na rin ang panahon para tayo ay makipagbati sa kanila upang maramdaman natin ang tunay na diwa ng Pasko. Panghuli, ang Pasko ay panahon para alalahanin natin ang pagsilang ng ating Panginoong Hesus. (Mateo 1:21) Maligayang Pasko po sa lahat! Bro. Paul Cabatuan Men's Ministry Core Leader, COG Caloocan
0 Comments
Leave a Reply. |
Coffee BreakA weekly publication of inspirational messages, devotional prayers, and words of wisdom from Church of God Caloocan leaders. It is a conversational message from their hearts to yours. So have a break, take a coffee break. Archives
February 2019
Categories |