Ako po ay mapalad na nakasama sa event nang MMR District para sa mga Youth and Young Adult na pinamagatang DARE, Dito ko po natutunan na dapat tayong mga kabataan ay matutong mangarap (DREAM), Magpaapoy/Magpakalalim sa Panginoon(ABLAZE), Tumugon sa tawag nya (RESPOND), at higit sa lahat ay Magtagumpay sa tulong ni Jesus.(EXCEL)
Sa pamamagitan niya, ang mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan ay magiging isang katawan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lalaki at lalakas sa pamamagitan ng pag-ibig. Efeso 4:16 Ito po ay isang panawagan ng Panginoon na tayong mga kabataan, katatayan at kananayan ay magtulong-tulong at sama-samang kikilos para sa ating Panginoon, Higit sa lahat matuto tayong mangarap muli. Sabi nga ng speaker na si Kuya Jay Licuanan ang pinakamasaklap na mangyayari sa buhay ng isang tao ay yung mawalan ng pangarap, kaya po sama-sama tayong mangarap at gumawa para sa Panginoon, huwag na tayong habambuhay magbutas ng upuan, umalis tayo sa Comfort Zone natin, tumayo tayo at mangarap at kumilos para sa kaharian ng Diyos. Bro. Mark Arjay Agustin Youth Care Group Leader, COG Caloocan
0 Comments
Leave a Reply. |
Coffee BreakA weekly publication of inspirational messages, devotional prayers, and words of wisdom from Church of God Caloocan leaders. It is a conversational message from their hearts to yours. So have a break, take a coffee break. Archives
February 2019
Categories |