“Sa Pananampalataya si Abel ang naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kaysa kay Cain, sa pamamagitan nito’y sinaksihan sa kaniyang siya’y matuwid, na nagpapatotoo ang Diyos tungkol sa kaniyang kaloob, at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa.” Hebreo 11:4 Minsan marami sa atin nagbibigay dahil sa:
· Obligado kang magbigay · Marami kang source of income · Para maging bida. Tayong mga Kristyano or kung tayo ay talagang mga Kristyano na binago ng ni Hesus, dapat nasa puso natin at pagbibigay at hindi napipilitan lang. Sapagkat hindi tinitignan ng Diyos ang mga binigay natin, kundi kung ano tayo, kung masaya ba talaga tayo? Kinalugdan ng Diyos ang handog ni Abel, dahil pumili siya ng magagandang ani, at bukod pa roon ay may puso siyang masaya. Kabaligtaran naman nito ang kay Cain. Naghain siya ng mga sira, nang mga pinagpilian na, nang may mga uod pa. Sa pagiging Kristiyano, hindi uso ang madamot, tayo’y binago na ni Kristo, kaya dapat po nating tatandaan, pag tayo nagbibigay para sa Diyos, yung todo, yung hindi tira-tira lang. "Ang hain ng masama ay kasuklam-suklam sa Panginoon, ngunit ang dalangin ng matuwid ay Kaniyang kalulugdan." -Kawikaan 15:8 Huwag tayo gumaya kay Cain na may pusong makasalanan, nagbibigay ng madaming hinanakit at inggit kay Abel. Kung tayo po ay magbibigay sa Diyos, lagi po nating tatandaan na kalulugdan tayo ng Diyos, kapag tayo nagbibigay na masaya, material na bagay man ito o anupaman. Ang mga binibigay natin sa Diyos ay kanyang ibabalik, siksik, liglig, at umaapaw. Sa Diyos ang Papuri at Pasasalamat! Bro. Gabriel Nacario Worship Department Head
0 Comments
|
Coffee BreakA weekly publication of inspirational messages, devotional prayers, and words of wisdom from Church of God Caloocan leaders. It is a conversational message from their hearts to yours. So have a break, take a coffee break. Archives
February 2019
Categories |