Ang buhay pulitika ay parang celebrity, puno ng mga kaplastikan; kaibigan mo ngayon, kapag eleksiyon nagiging kaaway na. Ang supporters ng bawat kandidato ay nakahandang makipaglaban o makipagpatayan para lang sa kanilang sinusuportahan. Isinisigaw pa nila ito at inilalako sa mga tao upang makakuha ng boto.
Samantala, di man lang natin maisigaw at mailako ang ating Panginoong Hesus sa mga tao upang makilala nila at tanggapin sa kanilang puso’t isipan upang sila ay maligtas. Ang sabi ng Panginoong Hesus, Sinabi ko rin sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga Anghel ng Diyos. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatwa ko rin sa harapan ng mga Anghel ng Diyos. Lukas 12:8-9 Kaya mga kapatid, huwag tayong mahiya na ipakilala ang ating Panginoong Hesus sa mga tao upang sundin ang Great Commission. Isigaw natin ang pangalan ng ating Panginoong Hesus. Ipinagmamalaki ang ating Panginoon, Bro, Conrado Mardoquio Relationship Department Head Do you want to share any thoughts about this? Don’t forget to share it on the comment section below. Like and share to others. ________________________________________________________________ Coffee Break is a weekly publication of inspirational messages, devotional prayers, and words of wisdom from Church of God Caloocan leaders. It is a conversational message from their hearts to yours. So have a break, take a coffee break.
0 Comments
|
Coffee BreakA weekly publication of inspirational messages, devotional prayers, and words of wisdom from Church of God Caloocan leaders. It is a conversational message from their hearts to yours. So have a break, take a coffee break. Archives
February 2019
Categories |